Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ₱258.62-million na Sorsogon National Gov’t Center.
Matatagpuan sa dalawang palapag na gusali ang mga tanggapan ng iba’t ibang national gov’t agency, kabilang ang Philippine Information Agency, Cooperative Development Authority, at Bureau of Treasury, habang inaasahang magkakaroon na rin ng mga tanggapan dito ang Philippine Coconut Authority, Philippine Postal Corp., at Philippine Red Cross.
Nakatatag na rin ang mga opisina ng Network Consolidated Cooperative Bank at Sorsogon Cooperative Union.
Sa kanya namang talumpati sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena, inihayag ng Pangulo na ang Sorsogon National Gov’t Center ay magsisilbing one-stop shop gov’t center na maglalapit at magpapabilis ng serbisyo sa taumbayan.
Nakasama ng Pangulo sa pag-iinspeksyon si Senate President Francis “Chiz” Escudero, at DPWH Sec. Manny Bonoan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News