Dinagsa ng mga mamimili ang murang bigas at bilihin na inilatag sa ADC Kadiwa Store ng UNIGROW Philippines sa Department of Agriculture sa Quezon City ngayong araw.
Aabot sa 40 sako ng bigas mula sa Nueva Ecija ang kanilang dinala sa DA para ibenta sa kadiwa store.
Ayon kay UNIGROW Philippines President Jimmy Vistar, hindi sila umano malulugi sa P25.00 na kada kilo ng bigas na kanilang binebenta dahil sa makabagong teknolohiya na kanilang ginagamit.
Ipinasilip ni Vistar sa Department of Agriculture kung gaano kaliit ang magiging gastos sa pagtatanim kung gagamitan ng UNIGROW Products, ipinagmalaki rin nito ang maayos at magandang-ani ng bigas na kanilang ibinebenta na walang halong pesticides. Ang cost per hectares sa first crafting ay umaabot lamang ng P7.80 cents at pababa pa ito ng pababa hanggang sa umabot sa P 6.70 cents per kilo na cost of production.
Pinasalamatan naman ni Vistar ang Unigrow rice growers sa kanilang tiwala at suporta at pakikiisa ng mga magsasaka sa kanilang komunidad ng mga gumamit ng UNIGROW at panawagan at pagmamaneho na ibenta ang kanilang ani sa murang halagang ₱25.00 kada kilo. –Ulat ni Felix Laban, DZME News