dzme1530.ph

₱20 per kilo na bigas para sa minimum wage earners, inilunsad ng DA at DOLE

Loading

Maaari nang ma-avail ng minimum wage earners ang ₱20 per kilo na bigas, matapos ilunsad ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Biyernes ang nationwide rollout ng naturang proyekto para sa labor sector.

Una nang inanunsyo ng DA at DOLE noong nakaraang buwan ang kanilang partnership para maisama ang minimum wage earners sa ongoing pilot run ng murang bigas program.

Ayon sa DOLE, halos 120,000 minimum wage earners mula sa mahigit 50 establisimyento sa buong bansa ang inisyal na makikinabang sa nabanggit na partnership, at inaasahang madaragdagan pa ang bilang, sa pagsali ng iba pang mga kumpanya.

Sa bahagi naman ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., binigyang diin nito na hindi lamang ito tungkol sa bigas, kundi usapin ng dignidad.

Tungkol aniya ito sa pagbibigay patunay ng pamahalaan, na kaya nilang magserbisyo sa mga Pilipino, lalo’t higit sa mga nangangailangan.

About The Author