dzme1530.ph

₱20 per kilo na bigas, available na rin para sa jeepney at tricycle drivers simula Sept. 16

Loading

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na kabilang na ang jeepney at tricycle drivers sa mga benepisyaryo ng Bente Pesos na Bigas Meron (BBM) Na! program simula Setyembre 16.

Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., napagkasunduan ang expansion kasama sina Transportation Sec. Vince Dizon at Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa inilunsad na programa para sa mga mangingisda sa Navotas Fish Port.

Paliwanag ni Laurel, isinama ang mga tsuper ng jeepney at tricycle dahil sila ay madaling maapektuhan ng pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo.

Sa Navotas City, tinukoy ni Mayor Tiangco na mayroong apat na libong transport workers sa ilalim ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).

Dagdag pa ng DA chief, ilulunsad ang programa para sa TODA members sa limang piling lugar sa bansa sa kalagitnaan ng Setyembre, bagaman hindi pa pinal ang mga lokasyon.

Ang listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay manggagaling sa Department of Transportation.

About The Author