SA GITNA ng rollout ng ₱20 per kilo ng bigas sa Visayas, iginiit ni Senador Ramon Bong Revilla Jr na nasa tamang direksyon ang gobyerno upang matiyak na makikinabang ang lahat sa murang pagkain.
Sinabi ni Revilla na magandang simula ang ₱20 kada kilo ng bigas na ipapatupad ng pamahalaan sa Mayo sa rehiyon ng Visayas at inaasahan niyang mapapalawak pa ito sa buong bansa.
Bahagi anya ito ng katuparan ng pangako ng Pangulong Marcos at aspirasyon natin para sa abot-kamay at sapat na pagkain sa bawat hapag.
Habang nakalatag ang ganitong programa, makabubuti anyang sumuporta ang lahat para sa iisang layuning na mapalawak ang serbisyo ng pamahalaan.