dzme1530.ph

₱2.2-M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust operation sa Subic; 2 katao arestado

Loading

Matagumpay na naaresto ng operatiba ng PNP-Drug Enforcement Group ang dalawang katao sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Baraca, Camachile, Subic, Zambales.

Ayon kay PDEG Dir. Brig. Gen. Elmer Ragay, sanib-pwersa ang Subic Municipal Police Station at PDEA Regional Office 3 sa operasyon kung saan nahuli ang isang high-value individual na si alyas “Masmud,” 39 taong gulang, at si “Meliza,” 36 taong gulang.

Nasabat mula sa kanila ang humigit-kumulang 400 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng ₱2,270,000, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Subic Municipal Police Station.

Giit ni Ragay, hindi titigil ang Pambansang Pulisya sa pagtugis at pagbuwag sa mga nasa likod ng iligal na gawain upang maprotektahan ang bawat komunidad sa bansa.

 

About The Author