Nais ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na alisin ang ₱1-billion cap sa paggastos ng Bureau of Fire Protection’s (BFP) ng kita nito mula sa implementasyon ng Fire Code of the Philippines.
Sinabi ni dela Rosa na sa ilalim ng 2024 ay tinanggal ang naturang special provision subalit ibinalik ito sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP) at inadopt sa General Appropriations Bill ng Kamara.
Ipinaliwanag ni dela Rosa na dahil sa cap, kahit may pambili pa ng dagdag na fire trucks, o personal protective equipment, hindi makakabili ang BFP.
Nilinaw naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sponsor ng panukalang 2025 budget ng BFP, ang paged-delete sa cap sa ilalim ng 2024 GAA ay na-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Iginiit naman ni Dela Rosa na mabuting alisin ang cap at ipaubaya muli sa Pangulo kung kanya itong kakatigan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News