dzme1530.ph

₱120 MSRP sa sibuyas, epektibo na ngayong araw

Loading

Epektibo na ngayong araw ang maximum suggested retail price (MSRP) na ₱120 kada kilo para sa pula at puting sibuyas, na layong pababain ang presyo sa gitna ng tumataas na demand habang papalapit ang holiday season.

Batay sa Department of Agriculture Bantay Presyo, umaabot sa average na ₱304.44 kada kilo ang lokal na sibuyas sa Metro Manila nitong Linggo. Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na bagaman naantala ang pagdating ng imports, hindi ito dahilan para sa malakihang taas-presyo.

Giit ni Tiu Laurel, kung nasa ₱60 kada kilo ang landed cost ng imported onions, may sapat pa ring tubo ang mga importer, logistics provider, at retailer sa presyong ₱120 MSRP.

Sinabi naman ni Agribusiness and Marketing Assistance Service Director Junibert De Sagun na generally ay bukas ang mga onion retailer sa MSRP, ngunit hiling nila na ang supply ay maibenta sa kanila sa presyong nasa ₱90 kada kilo upang maiwasang malugi sa stocks na nabili ng mga ito sa mas mataas na halaga.