dzme1530.ph

₱10-B pondo para sa AFP modernization na tinapyas ng Kamara, pinababalik ng Senador

Nanawagan si Sen. Ronald dela Rosa sa mga kasamahan sa Senado na ibalik ang ₱10-B na tinapyas na pondo ng Kamara sa AFP Modernization Program para sa susunod na taon.

Aminado ang senador na dismayado siya sa naging hakbang ng Kamara dahil taliwas ito sa posisyon ng mga politikong naghahayag ng suporta sa AFP sa tuwing napapahamak ang mga sundalong nagbabantay sa ating teritoryo partikular sa West Philippine Sea.

Iginiit ni dela Rosa na sana naman ay maging coordinated o synchronized palagi ang mga pahayag ng mga pulitiko sa kanilang ginagawa lalo na bilang mga mambabatas na nagtataglay ng “power of the purse”.

Bunsod nito ay umapela si dela Rosa sa mga kasamahang senador na ibalik ang ibinawas na ₱10 billion mula sa orihinal na ₱50 billion fund para sa AFP Modernization upang maramdaman naman ng mga sundalo na ang gobyerno ay inaalala ang kanilang kapakanan at hindi puro lip service lamang.

Ikukunsidera naman ni Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe ang proposal ni dela Rosa.  —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author