Natakasan ng Zus Coffee ang Akari nang maging all-Filipino ang opening day ng Premier Volleyball League (PVL) 2025 Reinforced Conference sa Ynares Center sa Montalban, Rizal.
Mayroon nang 1-0 win-loss card sa Pool B ang Thunderbelles matapos padapain ang Akari sa score na 24-26, 25-23, 17-25, 26-24, 15-7.
Kapwa naglaro ang mga koponan nang wala ang kanilang foreign guest players, gayundin sa laban ng Capital1 at Choco Mucho, na parehong kailangan para sa import-laden conference.
Ito ay dahil hindi pa iniendorso ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang international transfer certificates ng mga import.