dzme1530.ph

Zsa Zsa Padilla, bumisita sa puntod ni Dolphy para gunitain ang 11th Death Anniversary ng Comedy King

Dumalaw ang singer-actress Zsa Zsa Padilla na puntod ng dating partner na si Dolphy sa Taguig City para gunitain ang ika-11 anibersaryo ng kamatayan ng tinaguriang Comedy King.

Sa kanyang Instagram post, hiniling ni Zsa Zsa sa kanyang followers na mag-alay ng maikling panalangin para kay Dolphy.

Si Zsa Zsa ay mayroong isang anak kay Dolphy, si Zia Quizon, at mayroon din silang adopted daughter na si Nicole.

Samantala, nagsama-samang muli ang ilang cast ng ’90s sitcom na “Home Along Da Riles” na sina Vandolph, Boy 2 Quizon, Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Maybelyn dela Cruz at Gio Alvarez, para gunitain din ang death anniversary ng kanilang Tatay Kevin Cosme.

Kasama rin nila ang ilang staff at writers ng naturang show na ipinalabas noong early 90s hanggang early 2000s.

Pumanaw ang comedy king noong July 10, 2012, bunsod ng chronic obstructive pulmonary disease sa edad na 83. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author