dzme1530.ph

“Zom-BBM” at “Sara-nanggal” effigies, sinilaban ng mga raliyista

Loading

Sinunog ng mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Southern Tagalog ang dalawang effigies, na pinangalanang “Zom-BBM” at “Sara-nanggal”, bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mamayang alas-4 ng hapon.

Sinabi ni BAYAN Southern Tagalog spokesperson Lucky Oraller na ang dalawang effigies ay sumisimbolo sa mga “halimaw” na umiiral sa bansa.

Ipinaliwanag ni Oraller na ang “Zom-BBM” ay kumakatawan kay Marcos bilang “tuta” ng Amerika, na sunud-sunuran umano sa amo nito na si U.S. President Donald Trump.

Samantala, ang effigy namang “Sara-nanggal,” na naglalarawan kay Vice President Sara Duterte, ay may limpak-limpak na halaga ng salapi sa ibabang bahagi ng katawan—na umano’y ninakaw na public funds ng Bise Presidente.

About The Author