dzme1530.ph

’ZERO OBSTRUCTION’ SA MGA HIGHWAY, TINIYAK NG PAMAHALAAN NGAYONG SEMANA SANTA

Loading

Tiniyak ng mga ahensya ng pamahalaan na walang balakid sa mga expressways at highways sa Huwebes Santo, Abril 2, at Biyernes Santo, Abril 3.

 

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, sisimulan nilang alisin ang mga nakaparadang sasakyan sa sidewalks ng highways simula Abril 1.

 

Sinabi ni Lopez na makakatulong nila sa naturang hakbang ang Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police Highway Patrol Group, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

 

Ipinapaalala rin ng kalihim na hindi paradahan ang bangketa sa highway at napakadelikado nito.

 

Samantala, inihayag din ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na sisiguraduhin nilang walang “one way” na mga kalsada ngayong Semana Santa.

About The Author