dzme1530.ph

Zero interruption ngayong summer, pinatitiyak sa mga water providers

Nagbabala si Senate Committee on Public Services chairperson Grace Poe na posibleng mauwi sa outbreak ng mga sakit ang water shortage kasabay ng matinding init ng panahon.

Kaya naman pinatitiyak ni Poe sa mga water concessionaires ang tuloy-tuloy na serbisyo sa kanilang mga customer ngayong summer season.

Sinabi ni Poe na sa gitna ng matinding init at mataas na demand sa tubig ang kawalan ng suplay nito ay maglalagay sa panganib sa kalusugan.

Una nang nagbabala ang DOH sa mga posibleng heat-induced diseases tulad ng heat stroke na maaaring tumama kahit sa mga taong inaakala nila ay hindi at risk.

Inirekomenda ni Poe sa mga water concessionaires na maglatag din ng supply contingency and augmentation plans at palagiang makipag-ugnayan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System at sa National Water Resources Board para sa uninterrupted service.

About The Author