dzme1530.ph

Zero balance billing sa iba pang ospital, kayang ipatupad, ayon sa DOH

Loading

Kumpiyansa ang Department of Health na posible ring maipatupad ang zero balance billing sa iba pang pagamutan sa bansa.

Ito ay bukod sa kasalukuyang saklaw ng polisiya na mga Department of Health hospitals.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demogaphy, sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na ginagawa nila ang lahat upang mapataas ang PhilHealth benefit package, na makatutulong sa pagpapatupad ng polisiya.

Ayon sa kalihim, ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay dapat zero balance billing sa lahat ng DOH hospital ito man ay basic o ward accommodation.

Sa katanuyan aniya, bago pa ianunsyo ng pangulo ang zero balance billing, nag-pilot testing na sila at nakita na kayang ipatupad ang programa sa mga DOH hospital.

Ang zero balance billing ay isang programa ng PhilHealth na nakapaloob sa National Health Insurance Program.

About The Author