dzme1530.ph

ZENDAYA, NAGSALITA TUNGKOL SA AI-GENERATED WEDDING PHOTOS KASAMA SI TOM HOLLAND

Loading

Nagsalita na si Zendaya hinggil sa AI-generated wedding photos nila ni Tom Holland na kumakalat sa online.

 

Sa guest appearance sa “Jimmy Kimmel Live,” tinugunan ng aktres ang isyu tungkol sa mga pekeng litrato, sa pagsasabing maraming tao ang naloko at inakalang totoo ang mga ito.

 

Hindi naman kinumpirma pero hindi rin itinanggi ni Zendaya kung ikinasal na sila ni Tom.

 

Una nang ibinunyag ng longtime stylist ni Zendaya na si Law Roach na nagpalitan na ng “I do’s” ang magkasintahan.

 

Nangyari ito isang taon matapos kumpirmahin ng US media ang engagement nina Zendaya at Tom, kasunod ng appearance ng aktres sa Golden Globes 2025, kung saan naispatan na may suot itong diamond ring.

 

Umugong ang dating rumors sa pagitan nina Tom at Zendaya matapos bumida bilang Peter Parker at MJ sa 2017 blockbuster ng Marvel na “Spider-Man: Homecoming.”

About The Author