dzme1530.ph

ZALDY CO, KUMPIRMADONG NAGTUNGO SA SWEDEN PERO WALANG IPINADALANG MGA EMISARYO PARA KAUSAPIN ANG PAMAHALAAN, AYON SA KANYANG ABOGADO

Loading

Kinumpirma ng abogado ni Zaldy Co na nagtungo ang dating kongresista sa Sweden, kung saan personal nitong nilagdaan ang isang petisyon.

 

Itinanggi naman ni Atty. Ruy Rondain na nagpadala ang kanyang kliyente ng mga “emisaryo” para kausapin ang pamahalaan.

 

Iginiit din ni Rondain na wala siyang impormasyon sa kasalukuyang kinaroroonan ng dating kinatawan ng Ako Bicol Partylist.

 

Idinagdag ng abogado na kamakailan ay nag-usap sila ni Co para klaruhin ang reports na nagpadala umano ito ng mga emisaryo para makipag-negosasyon.

 

Sinabi pa ni Rundain na hindi niya alam kung saan nakuha ang 57 billion pesos dahil ang halagang involved sa Sandiganbayan ay 200 hanggang 300 pesos lamang, at walang iaalok ang kanyang kliyente.

About The Author