Terminated ang Youtube channel ng inaakusahang sex trafficker na si Apollo Quiboloy.
Ito’y matapos tugunan ng team Youtube ang platform concerns sa pamamagitan ng pagsagot sa isang tweet tungkol sa channel ni Quiboloy na maari umanong makaabot sa mga biktima nito.
Sa Twitter post, sinabi ng video sharing platform na matapos isailalim sa review ay nabatid nilang lumabag ang channel ni Quiboloy sa community guidelines kaya nila ito tinerminate.
Si Quiboloy na self-proclaimed Son of God, at Founder ng Kingdom of Jesus Christ, ay nakadikit sa iba’t ibang kontrobersiya, kabilang na ang pagpaslang sa tribal leader sa Davao City na si Datu Dominador Diarog noong 2008.
Nasa listahan din siya ng FBI’s most wanted bunsod ng umano’y human trafficking. —sa panulat ni Lea Soriano