Ang yogurt ay isa sa mga pinakamasustansyang pagkain dahil gawa ito sa gatas at kumpleto sa protina, carbohydrates at fats.
Mayroon din itong taglay na calcium para sa ating buto; potassium para sa mga nag-e-ehersisyo; at vitamin b para sa ugat at stress.
Nakatutulong din ang yogurt upang mabilis na gumaling ang singaw o mouth sore. Ang pagkain ng yogurt ng tatlong beses sa maghapon ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw, sa bibig, dila o lalamunan, at naiibsan nito ang sakit.
Mainam din itong kainin ng mga nagpapapayat. Sa halip na ice cream o full cream milk ang inumin ay mas hindi nakatataba ang yogurt. Piliin lamang ang low-fat yogurt dahil 100 calories lamang ang taglay nito sa bawat cup.
Nakatutulong din ang yogurt upang makaiwas sa kanser sa tiyan dahil sa taglay nitong good bacteria o lactobacillus at mainam din ito sa mga umiinom ng antibiotics. —sa panulat ni Lea Soriano