Pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status sa Visayas grid ngayong Martes, August 5, bunsod ng manipis na reserba ng kuryente sa rehiyon.
Sa pinakahuling abiso ng NGCP, mananatili ang yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.
Nauna na itong inisyu para sa mga oras na alas-3 hanggang alas-4 ng hapon, at alas-6 hanggang alas-8 ng gabi.
Batay sa datos ng NGCP, umabot sa 2,475 megawatts ang peak demand bandang ala-1:30 ng hapon, habang nasa 2,528 megawatts lang ang available capacity.
Ito ay dahil sa sapilitang pagtigil ng operasyon ng labimpitong planta sa Visayas, na nakaapekto sa kabuuang suplay ng kuryente.
Samantala, nananatili namang normal ang kondisyon ng Luzon at Mindanao grids, batay sa ulat ng NGCP.