dzme1530.ph

Yellow alert sa Visayas grid, itinaas ng NGCP dahil sa kakulangan sa suplay ng kuryente

Loading

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status sa Visayas grid ngayong araw, mula 3:00 PM hanggang 4:00 PM, at muli mula 6:00 PM hanggang 8:00 PM.

Ayon sa NGCP, mataas ang demand sa kuryente sa rehiyon ngunit limitado ang suplay bunsod ng pagkawala ng ilang power plant.

Nasa 744 megawatts ang hindi available sa grid dahil sa sapilitang pagpapatigil ng operasyon ng 12 planta mula pa noong Abril. Bukod dito, walo pang planta ang nasa derated status o hindi tumatakbo sa buong kapasidad.

Ang Visayas grid ay binubuo ng magkakaugnay na power systems ng Cebu, Negros, Panay, Leyte, Samar, at Bohol, at nag-aambag ng humigit-kumulang 14% sa kabuuang power demand ng bansa.

Samantala, nananatili namang normal ang kalagayan ng Luzon at Mindanao grids.

About The Author