dzme1530.ph

Yearbook bilang supporting documents, hindi kailangan —BI

Hindi kailangang magdala ng yearbook photo ang mga biyahero sa airport para makabiyahe abroad.

Ito ang binigyang-diin ng Bureau of Immigration (BI) matapos mag-viral ang Tiktok video ng isang Pinay na umano’y hindi umabot sa kaniyang flight dahil sa mga tanong ng Immigration officer.

Paliwanag ni BI Spokesperson Dana Sandoval, hindi bahagi ng mga katanungan ng kanilang tauhan ang paghingi ng yearbook photo sa isang biyahero.

Pinabulaan din aniya ng Immigration officer na kinuwestyon at hiningi nito ang yearbook photo ni Mariel Charmaine Tantera.

Samantrala, nilinaw ni Sandoval na ang mga biyahero ay kailangan lamang magpakita ng ticket, passport, at supporting documents sa Immigration office.

About The Author