dzme1530.ph

Xiandi Chua, nasungkit ang 18th gold medal ng Pilipinas sa #SEAGames2023

Mag-uuwi ng gintong medalya at bagong record sa swimming ang pambato ng bansa sa Southeast Asian Games na si Xiandi Chua.

Nakuha ni Chua ang pinakamabilis sa Womens’ 200-meter Backstroke sa loob lamang ng 2 minutes at 13.20 seconds.

Pumangalawa kay Chua si Chloe Isleta na mayroong 2:16.19 ng Pilipinas sa event na ginanap sa Morodok Aquatic Center.

Nasa pangatlong puwesto naman si Fonpray Yamsuan ng Thailand na mayroong 2:17.95.

Bago ang laro, hawak ni Nguyen Thi Anh Vien ng Vietnam ang record na 2:13.64 na na nakamit nito noong sa 2017 Sea Games – Malaysia.

Ito rin ang unang gintong medalya na nakuha ng Pilipinas sa swimming kung saan silver medal din ang nakuha ni Isleta sa Sea Games na ginanap naman sa Hanoi, Vietnam noong nakaraang taon. —sa panulat ni Ronnie Ramos

Image

About The Author