Tinalakay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at French President Emmanuel Macron ang security issues sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pag-uusap sa telepono, inihayag ni Marcos na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa WPS.
Kasama na rin dito ang pagtitiyak na mananatiling bukas ang shipping lanes at airways sa nasabing karagatan.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa France para sa lahat ng suporta kabilang ang pagpapadala ng French patrol vessels, at pagsusulong ng International Law partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nagpapatuloy ang China sa mga agresibong aktibidad sa WPS, kabilang na ang insidente ng paglalagay ng floating barriers sa Bajo de Masinloc. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News