Binigyang-pugay ng Estados Unidos ang mga Filipino at Amerikano sa kanilang kabayanihan noong World War II.
Sa twitter post ng US Embassy, kahapon, Araw ng Kagitingan, nagpahayag ito ng pakikiisa sa Pilipinas sa pagkilala sa mga matatapang na nakipaglaban para sa kalayaan at kapayapaan noong panahon ng digmaan.
Taong 1946 nang pagtibayin ng US ang diplomatic relations nito sa Pilipinas.
Ang US-Philippines Mutual Defense Treaty ay nagbibigay ng matibay na pundasyon para sa matatag na Post-World War II Security Partnership.
Samantala nagpaabot din ng kanyang pagbati si US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson sa pagdiriwang ng Day of Valor. —sa panulat ni Jam Tarrayo