dzme1530.ph

World Bank, tiniyak ang suporta sa pagkakamit ng poverty-free Philippines sa 2040

Pinagtibay ng World Bank ang suporta sa adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkakamit ng masagana, inklusibo, at poverty-free Philippines sa taong 2040.

Sa courtesy visit sa Malakanyang sa mga miyembro ng gabinete, tiniyak ni World Bank Managing Director for Operations Anna Bjerde na patuloy nilang aalalayan ang Pilipinas sa development agenda nito tulad ng pagtugon sa epekto ng climate change, transition sa renewable energy, food and agriculture, water and sanitation, innovation, at digitalization.

Bukod dito, susuportahan din ng global institution ang bansa sa pagkakamit ng upper middle-income country status, hanggang sa maabot ang predominantly middle-class society sa 2040.

Samantala, dahil sa pagkakaroon ng young at skilled labor force at magaan na macroeconomic policies, hinikayat ni Bjerde ang Pilipinas na palakasin pa ang investments.

Ang World Bank ay isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng official development assistance ng bansa. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author