Inaprubahan ng World Bank ang proyekto na nagkakahalaga ng $110-M na naglalayong mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng paglinang sa kakayahan ng mga guro sa Mindanao.
Ang Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project ay inaasahang pakikinabangan ng halos 2-M mag-aaral sa elementarya at mahigit 60,000 mga guro at school officials sa Mindanao.
Ipatutupad ang proyekto sa Region 9 o Zamboanga Peninsula, Region 12 o SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa World Bank, ang mga nabanggit na rehiyon ay mayroong mataas na dropout rates, below-average na enrollment rates, low performance sa reading at math scores, at malaking indigenous populations. —sa panulat ni Lea Soriano