dzme1530.ph

Work-from-home setup at flexible working hours, sagot sa traffic.

Sa gitna ng pagbalangkas ng mga solusyon sa traffic congestion sa bansa, nanawagan si Senador Joel Villanueva sa gobyerno at sa mga pribadong kumpanya na ibalik ang Work-From-Home (WFH) setup gayundin ay ipatupad ang flexible working hours.

Ipinaalala ni Villanueva na mayroong umiiral na Telecommuting Act sa bansa na maaaring maging batayan ng mga ipatutupad na polisiya.

Iginiit ng senador na napatunayan na sa pag-aaral ng ilang kumpanya na mas nakatitipid sila ng gastusin dahil sa WFH setup.

Ilan sa tinukoy ng mambabatas ang call center company na International Business Machines Corporation o IBM na nakatipid ng mahigit P35 million sa pagbabayad ng upa dahil karamihan sa kanilang empleyado ay nasa WFH setup.

Bukod pa rito ang isang Telecom company na nabawasan naman ang kanilang gastusin sa computer, kuryente at iba pang dahil din sa WFH setup.

Malaking tulong din anya ito upang maging maluwag ang mga kalsada at mabawasan ang commuters araw-araw.

About The Author