Nanawagan ng tulong ang Philippine Coast Guard upang mapigilan ang malawakang oil spill sa Oriental Mindoro na patuloy na nagbabanta sa kabuhayan ng libu-libong mangingisda at sa kalusugan ng mga residente.
Dahil sa limitadong resources, sinabi ni PCG Admiral Artemio Manalo Abu na tinutugunan nila ang problema sa pamamagitan ng Order of Priority, gaya ng pagtatanggal ng langis sa karagatan, pag-protekta sa mga baybayin, at pag-aalis ng langis kapag umabot sa mga dalampasigan.
Hindi rin masagot ni Abu kung kakayanin nila ang isang buwan na timeline, subalit sinabi niya na maigi kung mas maaga nilang mako-contain ang oil spill at maku-kompleto ang operasyon.
Idinagdag ng PCG chief na kailangan ng whole-of-nation approach upang matugunan ang malawakang pagkalat ng langis sa karagatan.
Pebrero 28, nang lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro ang motor tanker na MT Princess Empress na may kargang 800,000 liters ng industrial fuel.