dzme1530.ph

Whole of gov’t approach, kailangan sa isyu ng Pagdami ng Chinese students sa Cagayan

Inirekomenda ng isang Senador ang ‘Whole-of Government Approach’ upang busisiin ang isyu ng pagdami ng mga Chinese Students sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Senador Ronald “Bato Dela Rosa, hindi lang ang Bureau of Immigration (BI) ang dapat na kumilos sa usapin lalo’t may mga naunang ulat na ilang Chinese Nationals ang may hawak ng Philippine Passport at Birth Certificate na nakapasok at nagtatrabaho sa bansa sa ilalim ng  Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Kailangan anyang imbestigahan nang husto ang isyu dahil nakapagdududa na sa isa sa mga EDCA site ng Pilipinas at Estados Unidos ay napaulat ang pagdami ng Chinese Students.

Habang maaga pa anya ay maimbestigahan na ang isyu upang malaman kung may iba pang motibo ang presensya ng mga Chinese na ibinulgar ng isang UP Professor na nagbabayad lang ng milyones kapalit ng degree.

About The Author