Nanganganib ang buhay ng milyun-milyong katao, dahil sa kakulangan ng bakuna laban sa Cholera.
Kaugnay nito, nanawagan ang World Health Organization(WHO) ng agarang pagtugon sa gitna ng tumataas na mga kaso ng naturang sakit sa buong mundo.
Paliwanag ng organisasyon, hindi na kasi na-aabot ng South Korean Company na Eubiologics ang demand sa pagproduce ng Cholera Vaccine.
Sa datos ng WHO, naitala ang 700,000 cases ng Cholera noong 2023, na halos doble kumpara sa naiulat na 473,000 cases noong 2022.