Bumuo ang World Health Organization (WHO) ng global network na may layong mapabilis ang pagtukoy sa banta ng nakakahawang sakit gaya ng COVID-19 at agarang maipakalat ang impormasyon hinggil dito sa buong mundo.
Katuwang ng WHO sa proyektong ito ay ang International Pathogen Surveillance Network
(IPSN) na siyang magbibigay ng platform para makakonekta ang mga bansa at rehiyon gayundin ang sistematikong pangongolekta at pagsusuri ng mga sample
Ayon sa WHO, ang naturang network ay magre-rely sa pathogen genomics
para suriin ang genetic code ng mga virus, bacteria at iba pang organismong nagdudulot ng sakit upang maunawaan kung gaano ito ka-contagious at kung paano kumakalat.
Ang makokolektang datos ay dadalhin sa isang mas malawak na disease surveillance system upang tukuyin ang mga sakit, mapigilan ang paglaganap at bumuo ng mga bakuna o gamot na panlaban dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo