dzme1530.ph

WHO, naghahanda na sa inaasahang pagsirit ng kaso ng viral diseases

Pinaghahandaan na ng World Health Organization (WHO) ang inaasahang paglaganap ng viral diseases na may kaugnayan sa El Niño phenomenon.

Ito ay sa gitna ng nararanasang pagtaas ng water surface temperature sa silangan at gitnang bahagi ng Pacific Ocean dulot ng El Niño.

Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, mataas ang posibilidad na maramdaman ang El Niño event ngayong taong 2023 hanggang 2024 na magreresulta sa pagtaas ng transmission ng dengue at iba pang uri ng virus gaya ng arbovirus, zika, at chikingunya.

Ibinabala ng opisyal na mas palalain pa ng nararanasang climate change ang pagdami ng mga lamok, partikular na sa bahagi ng Amerika. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author