Nagpaalala ang World Health Organization (WHO) sa buong mundo dahil sa pananatili pa rin ng banta ng COVID-19.
Ayon kay WHO Regional Director for Europe Hans Kluge, nakakapagtala pa rin ang ahensya ng maraming kaso ng virus sa 53 bansa kabilang na ang Asya.
Mayroong halos 1,000 katao pa rin aniya ang namamatay dahil sa COVID-19 sa Europa.
Kung kaya’t patuloy ang panawagan ng WHO na manatiling mag-ingat sa virus hangga’t wala pang nadidiskubreng gamot laban dito.
Matatandaang noong Mayo, idineklara ng WHO na hindi na maituturing na isang “global health emergency” ang COVID-19. —sa panulat ni Jam Tarrayo