dzme1530.ph

Whitewash sa imbestigasyon, maiiwasan kung independent body ang sisiyasat —Sen. Tulfo

Loading

Pabor si Senate Blue Ribbon Committee Vice Chairman Sen. Erwin Tulfo na isang independent investigative body ang magsiyasat sa mga anomalya sa flood control projects at magsampa ng kaso laban sa mga sangkot.

Aniya, hindi maaalis ang duda na posibleng ma-“whitewash” ang imbestigasyon kung Kongreso at Senado lang ang hahawak, lalo na’t may ilang mambabatas na sinasabing maaaring kasabwat.

Tanong ni Tulfo kung paano mapapaharap sa Blue Ribbon Committee hearing ang kapwa nila mambabatas gayung may umiiral na inter-parliamentary courtesy.

Naniniwala ang senador na kung walang independent body, mga kontratista at opisyal ng DPWH lamang ang masisiyasat at mahaharap sa mga pagdinig.

Para kay Tulfo, mas angkop na isang independent body ang magtukoy kung sino ang dapat kasuhan ng Plunder, Graft, Bribery, at iba pang kaso, lalo na kung mambabatas o public official ang mastermind.

Matatandaang iminungkahi rin ni Tulfo ang real-time independent third-party inspection ng mga government projects, lalo na sa mga substandard at “ghost” projects, sa interpolasyon niya kay Sen. Ping Lacson sa isang Senate session.

About The Author