dzme1530.ph

Whistleblower sa umano’y sabwatan ng ilang doktor sa drug firms kapalit ng pagrereseta, pinahaharap

Hinimok ni Health Sec.Ted Herbosa ang sinasabing whistleblower sa umano’y sabwatan ng mga doktor at pharmaceutical companies sa mala-networking scheme sa pagrereseta ng mga gamot na makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon.

Sa panayam sa Senado, sinabi ni Herbosa na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na formal complaint at tanging sa social media pa lamang niya nababasa ang mga alegasyon.

Hinahanap din anya niya ang mga sinasabing ebidensya na isinumite na sa ahensya subalit hindi pa rin niya natatagpuan ang mga ito.

Kasabay nito, nanawagan ang kalihim kay Senator JV Ejercito at maging sa media na himukin ang whistleblower na humarap sa imbestigasyon.

Nangako rin si Herbosa na pupulungin sa susunod na linggo ang Food and Drugs Administration at Philippine Medical Association kaugnay sa naturang alegasyon.

About The Author