dzme1530.ph

WFH arrangement, iba pang mga sistema, dapat ikonsiderang ipatupad sa gitna ng rehabilitasyon sa EDSA

Loading

Umapela si Sen. Sherwin Gatchalian na dapat ikonsidera ang iba’t ibang pamamaraan upang mas mapagaan ang buhay ng mga pasahero habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon ng EDSA.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang rehabilitasyon sa EDSA ay hindi lamang mahalagang infrastructure project at sa halip ay maituturing na panawagan para sa sama-samang aksyon at adaptability.

Isa sa dapat aniyang ikonsidera ay ang pagpapatupad ng work-from-home arrangements o flexible working setup para sa public at private organizations upang makatulong na mapaluwag ang trapiko sa EDSA.

Iginiit ni Gatchalian na kailangan ding tiyaking hindi maaantala ang emergency vehicles para tumugon sa ating mga kababayan.

Bagamat magdudulot aniya ng abala ang proyekto, hangad ng senador ang mga benepisyong makukuha mula rito kabilang na ang mas maayos, mas mabilis, at mas ligtas na biyahe para sa milyong milyong Pilipino.

About The Author