dzme1530.ph

Website hacking sa Kamara, iimbestigahan ng DICT

Iniimbestigahan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nangyaring pangha-hack sa website ng House of Representatives.

Sa statement ng DICT na inilabas ng Malakanyang, kinumpirma nito ang cyber security incident sa website ng Kamara.

Sinabi ni DICT Spokesman Assistant Secretary Renato Paraiso na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mababang kapulungan ng Kongreso kasabay ng imbestigasyon.

Matatandaang kahapon araw ng linggo ay hinack ang website ng Kamara, at lumabas ang troll face meme kadikit ang mga katagang “you’ve been hacked”, at “have a nice day”.

Kasama rin dito ang mga katagang “happy april fullz kahit october palang! Fix you.”—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author