dzme1530.ph

Wawao Builders, Syms Construction Trading, pinatawan ng lifetime ban ng DPWH

Loading

Pinatawan ng lifetime ban ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga contractor na Wawao Builders at Syms Construction Trading dahil sa pagkakasangkot sa ghost projects sa Bulacan.

Ginawa ni DPWH Sec. Vince Dizon ang anunsyo nang inspeksyunin niya ang isang flood control project sa Barangay Sipat, Plaridel, Bulacan.

Ayon kay Dizon, ang Wawao Builders ang nasa likod ng ghost project sa Barangay Sipat. Idineklara itong “completed” pa noong 2024, ngunit nang kanya itong silipin, sinabi ng contractor na tatlong linggo pa lamang nakalilipas nagsimula ang konstruksyon.

Tinawag ng kalihim ang proyekto bilang “patay na pero pinipilit buhayin” dahil nabayaran na ito, ngunit muling isinulong matapos uminit ang isyu at magsunod-sunod ang mga imbestigasyon.

About The Author