Nagpapatupad na ng iba’t ibang hakbang ang Department of Agriculture (DA) upang agapan ang epekto ng nagsimulang El Niño sa bansa.
Sinimulan na ng DA ang water management projects kabilang ang pagsasaayos ng irrigation canals at iba pang small scale irrigation projects.
Kasama rin ang Alternate Wetting and Drying (AWD) Technology o ang kontrolado at dahan-dahang pagre-release ng patubig sa irigasyon, na gumagamit ng mas kakaunting tubig.
Bukod dito, nakatakda na ring palitan ang mga sirang pump at engine sets.
Samantala, isinusulong din ng DA ang pag-kolekta at pag-iimbak sa tubig-ulan, at hinihikayat ang food producers na iimbak ang tubig-ulan para ito ay magamit pa.
Ayon kay DA National El Niño Team Chairman U-Nichols Manalo, ito ay ilan lamang sa mga maagang hakbang ng gobyerno upang maiwasan ang production loss dahil sa matinding tagtuyot. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News