dzme1530.ph

Water Level sa Angat Dam, bumaba na 180-meter minimum operating level

Bumaba sa 180-meter minimum operating level ang tubig sa Angat Dam ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA bunsod ng kawalan ng pag-ulan sa bahagi ng Angat Dam.

Ayon sa inilabas na datos, naitala ang 179.68 meters na water level ngayong Mayo 23, mas mababa ng 0.39 meters sa naitalang 180.07 meters kahapon, Mayo 22.

Ang normal high water level ng Angat Dam ay 212 meters

Ang Angat Dam ay pinagkukunan ng 90% portable water para sa Metro Manila at pinanggagalingan din ng tubig para sa irigasyon ng 25,000 hectares na sakahan sa Bulacan at Pampanga.

About The Author