dzme1530.ph

Wastong pagamit at pagdadala ng power bank sa eroplano muling pinaalala

Loading

Personal na pinaalalahanan ni Air Asia CEO/President Ricky Isla at Captain Steve Dailisan ang mga pasahero kaugnay ng wastong paggamit ng power bank (lithium battery) para sa seguridad sa paglalakbay.

Ayon kay Dailisan pinapayagan na isakay sa eroplano ang power bank na hindi lalagpas sa 100Wh kung saan maaari lang itong bitbitin at bawal ilagay sa overhead ng eroplano.

Ang paalala na ito ay dahil sa inaasahan 100,000 mga manlalakbay na sasakay sa air Asia ngayong Semana Santa para magbakasyon sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Ang mga bagong patakaran ay bilang pagtalima sa Power Bank Policy ng AirAsia Aviation Group na inaprubahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Samantala, sinabi ni Dailisan na nag set up sila ng help desk 24/7 para umalalay sa mga pasahero ngayong Holy Week upang matiyak ang isang maayos at ligtas na karanasan sa paglalakbay.

 

About The Author