dzme1530.ph

War veterans, may libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 simula April 5-11

May alok na libreng sakay ang LRT-2 at MRT-3 para sa mga war veteran sa loob ng isang linggo bilang bahagi ng paggunita ng Philippine Veterans Week simula bukas, April 5 hanggang 11.

Sa magkahiwalay na posts sa Facebook, inihayag ng operators ng LRT-2 at MRT-3 na kailangan lamang i-prisinta ng mga beterano ang kanilang valid Philippine Veterans Affairs office (PVAO) identification card para ma-avail ang isang linggong libreng sakay.

Sinabi rin ng dalawang rail lines na libre rin ang sakay ng isang kasama ng war veteran.

Ang naturang hakbang ay bilang pagbibigay pugay at pagkilala sa mahalagang kontribusyon sa lipunan ng mga beterano, at pagpapasalamat na rin sa kanila ng pamahalaan sa simpleng paraan.

About The Author