dzme1530.ph

Wanted na Japanese national naaresto sa BI office sa Taguig

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit ang isang wanted na Japanese national sa isang mall sa lungsod ng Taguig.

Ang Japanese na kinilalang si Kudo Tomoya, 33, ay inaresto sa BI office sa SM Aura mall sa Taguig matapos tangkaing mag-apply para sa extension ng kanyang tourist visa.

Sa pag-verify sa BI centralized system, napag-alaman na si Kudo ay kasama sa immigration watchlist, dahil sa pagiging undesirable alien.

Nakatanggap umano ang BI ng opisyal na komunikasyon mula sa mga awtoridad ng Japan noong Nobyembre 8, at ipinaalam sa kanila ang standing warrant of arrest ni Kudo.

Base sa impormasyon dumating si Kudo noong Oktubre 15, at humihiling na palawigin ang kanyang visa para manatili nang mas matagal sa bansa. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author