dzme1530.ph

Walong Pinoy seafarers mula sa MV Eternity C, nasa pangangalaga na ng Philippine Consulate sa Saudi Arabia

Loading

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa pangangalaga na ng Philippine Consulate sa Saudi Arabia ang walong Pilipinong seafarers mula sa M/V Eternity C.

Ayon sa DFA, ligtas nang nakarating sa Kingdom of Saudi Arabia ang mga marino at kasalukuyang sumasailalim sa mandatory medical assessment bilang paghahanda sa kanilang repatriation pabalik ng Pilipinas sa mga susunod na araw.

Nagpasalamat naman ang DFA sa pamahalaan ng Saudi Arabia sa pagbibigay ng visa consideration sa walong marino sa ilalim ng humanitarian grounds.

Samantala, patuloy namang magbibigay ng update ang konsulada para sa kalagayan ng mga Pilipinong marinong nakaligtas matapos ang pag-atake ng Houthi rebels sa Red Sea.

About The Author