dzme1530.ph

Wally Bayola, kinumpirma ang pag-uusap ng producers ng ‘EAT’ at MTRCB kasunod ng kanyang pagmumura

Kinumpirma ni Wally Bayola na ongoing ang pag-uusap sa pagitan ng production staff ng “EAT” at ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ilang araw makaraang ipatawag ang producers ng noontime show kasunod ng pagmumura ng TV host.

Ginawa ni Bayola ang kumpirmasyon sa isang ambush interview, makaraang isyuhan ng MTRCB ng “Notice to Appear and Testify” ang noontime show.

Nagkataon na ang MTRCB ay pinamumunuan ni Lala Sotto-Antonio, anak ng isa sa mga host ng EAT na si dating Senate President Tito Sotto.

Nag-sorry na si Bayola sa Aug. 11 episode ng EAT, kasabay ng pagsasabing handa siyang sumunod sa anumang order ng ahensya. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author