dzme1530.ph

WALANG PINOY NA NADAMAY SA MALAWAKANG PAMBOBOMBA NG ISRAEL SA LEBANON, AYON SA DFA

Loading

Walang Pilipinong nasaktan sa Lebanon sa kabila ng umabot na sa 300 ang death toll mula sa malawakang air strikes ng Israel, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
 
Batay sa pinakahuling impormasyon mula sa Lebanese Ministry of Health, sinabi ng DFA na walang foreign nationals na napaulat na kasama sa casualties.
 
Tinaya naman sa 1,200 individuals ang nasugatan sa naturang pag-atake dahilan para mag-operate ang mga ospital sa maximum capacity.
 
Inihayag ng DFA na in-activate ng embassy ang kanilang community monitoring mechanisms sa pamamagitan ng Filipino community leaders at area coordinators.

About The Author