dzme1530.ph

VP Duterte, walang sinusuportahang kandidato sa speakership row

Loading

Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na wala siyang sinusuportahang kandidato sa pagka-speaker ng Kamara.

Paliwanag ng pangalawang pangulo, abala siya sa mga tungkulin ng Office of the Vice President at wala siyang panahon na makisali sa isyu ng liderato sa Mababang Kapulungan.

Samantala, nananatiling mainit ang usapin ng pagpapalit kay House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng 2025 General Appropriations Act.

Kabilang sa mga lumulutang na pangalan para sa speakership ang Deputy Speaker Faustino “Bogie” Dy III ng Isabela mula sa Partido Federal ng Pilipinas, at Bacolod City Rep. Albee Benitez na sinasabing suportado ng Visayan bloc.

Ibinahagi rin ni Deputy Speaker Ronaldo Puno ang pagpasok ni Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa tanggapan ni Majority Leader Sandro Marcos, matapos magdeklara ng intensyon na tumakbo bilang speaker. Gayunman, ayon sa ilang kongresista, hindi nila sineseryoso ang pahayag ni Barzaga.

About The Author