Walang ipinataw na parusa ang Dept. of Education laban sa nagviral na video online ng isang guro na nagagalit o nanenermon sa kaniyang mga estudyante.
Ito ang isiniwalat ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte matapos marinig ang paliwanag ng guro.
Giit ng bise presidente, tao lang at umaabot sa punto na nagagalit tayo, lalo kapag nafu-frustrate.
Dinipensahan din ni VP Sara ang guro, dahil hindi lamang isa ang kausap nito kundi nasa 25 hanggang 55 estudyante.
Pina-alalahan naman ng pangalawang pangulo ang guro na maghinay-hinay sakaling nakararamdam ng galit at itigil pansamantala ang klase.
Samantala, sinabi ng guro na hindi nito alam na naka-online o live siya nang mangyari ang pagpapagalit sa kaniyang mga estudyante.