dzme1530.ph

VP SARA, WALA PANG SENATE SLATE PARA SA 2028 NATIONAL ELECTIONS

Loading

Wala pang nabubuong Senate slate si Vice President Sara Duterte para sa 2028 national elections.
 
Gayunman, inamin niyang may mga kumakausap na sa kanya na mga interesadong sumama sa kanyang line up.
 
Tumanggi naman muna ang Bise Presidente na pangalanan ang mga ito dahil matindi at mainit anya ang pulitika at lahat ng lumalapit sa kanya ay hinaharas at hinahadlangan.
 
Mas magiging malinaw anya ang lahat sa sandaling magsimula na ang paghahain ng kandidatura sa susunod na taon.

About The Author